Saturday, April 3, 2010

Two Why Light?

HatingGabi

Gusto ko sabihin sa'yo
Kung ano ang nararamdaman ko,
Pero hindi ako sigurado
Marahil dahil sa takot
Baka masaktan lang kita
O baka ikaw ang karma ko

Sa totoo lang ayoko nang makipaglaro
Nung huling yakap mo
Hindi ko mapigilan ang luha ko kasi
Parang pinapahiwatig nito
Kailangan na kitang "i-let go"
Nahahawa na ako sa'yo

Nararamdaman ko kasi lungkot mo
At pilit na ipinapaalala sa akin
Kung gaano ito kalalim tulad ng sugat ko
Pero pag yakap mo ako
Saktong dahilan para sumandal sa'yo
Hindi ko kailangan magkunwari

Na parang andyan ka, naiintindihan mo
Pipilitin kong hawakan ang kamay mo
Pero biglang may papasok sa eksena
Hindi ko magawang yakapin ka pabalik
Di mo tuloy naramdaman importante ka rin
Kahit sa sandaling iyon, bago ka umalis

At ayoko umalis ka...gusto ko mauna ako
Madalas nakikipagkumpitensya lang
Kasi parating may laro
At gusto ko ako ang panalo tulad ng dati
Hindi ko pa nasusubukang matalo
Utak parati, bago ang puso

Napaka-"ironic"
Kung gaano kagaan ang aking pakiramdam
Kapag niyayakap mo ako nang mahigpit
Ganon din kahigpit ang lungkot
Madalas kumakabog ang sakit sa dibdib
Sa oras na ayaw mong maramdaman


May pang-unawa akong hihilingin
Pwede bang maging totoo ka?
Dahil oo, gusto kita..gusto pa rin kita, pero
Hindi ko alam kung ano bang gusto mo
Hindi naman masamang sabihin ito
Ano ba ang kahulugan ng mga yakap mo?

Lagi kong tinatanong sa sarili ko
May tao bang sasalo ng nararamdaman natin?
Kung magiging masaya na tayo
Pag naipasa na sa iba ang lungkot,
Kung ganon, maiintindihan na kita at
Ang tunay nating nararamdaman

Gusto kong malaman mo
May kung ilang bagay din akong natutunan sayo
Natutunan kong masakit pala
Kung kelan gusto mo na iyong isang tao
Pero nawawalan ka na ng halaga
Kailangan mo nang lumayo...

Ano ba 'to, ang labo
Duwag lang di ba?
Gusto kitang itago sa puso ko...
Itatago ko ito hanggang malaman ko kung
Sino kaya sa atin ang unang masasaktan?
Masyado na bang malungkot

Parati na lang kasi kitang itatago at ililihim
Lalo na kapag hindi sumasabay
Sa agos ng isipan ko,
Sa kung saan ko gustong pumunta
Malayo, naiiba at baka hindi mo maintindihan
Baka bigla na lang akong magsisi

Kung sakaling mahal na kita, siguro patay ka na.
Hindi ko balak sabihin sayo, hinihintay kita eh
Ang gusto ko lang sana mapasaya kita
Pero paano? Ayaw mo naman eh
Kahit hindi ko rin alam kung ano ang kulang sakin
Ang dami kong iniisip at pagod na rin ako

Magkaibigan nga tayo....

Pinipilit kong ayusin ang mga kataga para mabuo ko ang tula na ito. Nakuha ko ang "style" ng pagsusulat na ito kay Doni, ang baklang officemate ko...salamat bakla (angat!). Mababasa mo kasi ang tula sa tatlong paraan: Ang kabuuan, odd lines (1,3,5, 7, etc kung hindi konting slow), at even lines (2, 4, 6, etc ok?!). Hindi ko matapos. Hanggang diyan na lang, basta pagod na rin ako.

No comments:

Post a Comment